Episcopal Commission for the Biblical Apostolate

Catholic Bishops' Conference of the Philippines

News & Events

SA MGA KAPATID NA OFWS SA HONG KONG FILIPINO CATHOLIC BIBLE ENCOUNTER

Posted by biblicalapostolate on February 2, 2012 at 2:10 AM

SA MGA KAPATID NA OFWS SA HONGKONG, sa okasyon ng inyong Catholic Family Bible Encounter:

 

Naglabas ang ating Santo Papa ng isang panawagang pastoral na pinamagatang VERBUM DOMINI o SALITA NG PANGINOON upang hikayatin ang lahat ng Katoliko sa buong daigdig upang ipalaganap ang pagbasa ng Bibliya bilang Salita ng Diyos at upang maitampok ang kahalagahan nito para sa buhay at misyon ng Santa Iglesya.

 

Kung dati-rati'y mga kaparian lang at mga miyembro ng mga kongregasyong relihiyoso ang nangunguna sa pangangaral sa Salita ng Diyos, iginigiit ng ating Santo Papa na napapanahon na upang ang Layko rin ay aktibo nang makilahok sa gawaing ito. Hindi sapat ang makinig lamang. Wika ng ritwal ng ordinasyon para sa mga diyakono, "Receive the Word of God whose heralds you are. Believe what you read, teach what you believe, practice what you teach.".

 

Kaisa ninyo kami sa inyong pagdiriwang ng Catholic Family Bible Encounter diyan sa HK. Alam kong sa kabila ng inyong pagsusumikap na maghanapbuhay upang may maipakain sa inyong pamilya sa Pilipinas, batid din ninyong higit sa materyal na pagkain, kailangan din natin ng pagkaing espiritwal. Wika nga ng Bibliya, "Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita na nanggagaling sa bibig ng Panginoon." (Deut. 8 )

 

Anuman ang maipaglilingkod namin para sa inyong pagsusumikap na maipalaganap ang Salita ng Diyos sa mga kapwa Pinoy at gayundin sa inyong mga katrabaho sa HK, huwag kayong mag-atubili na makipag-ugnayan sa aming opisina sa pamamagitan ng aming executive secretary na si Nati pagadut ng Episcopal Commission for the Biblical Apostolate sa website na www:ecba-cbcp.com.

 

Pagpalain kayong lagi ng Maykapal,

 

Bishop Pablo Virgilio S. David, DD

Chairman

Episcopal Commission for the Biblical Apostolate

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

0 Comments